“EDUKASYON
ANG SUSI SA KAUNLARAN”
Ang lahat ng
tao ay inaasam na makapag-aral at makapagtapos. Pero hindi lahat ay nakakamit
ang rurok ng tagumpay, dahil minsan may mga pagsubok na daraanan dahil hindi
lahat ng tao ay matatag sa mundong ito. Minsan may pagkakataon na napapatanong
ang ibang tao na “bakit kailangan pang mag-aral” yan ang kalimitang tanong ng
mga tao. Pero ang mga katanungan na ito ang siyang nagsisilbing kuro-kuro ng
bawat tao para sa ganun mapalawak ang imahinasyon patungkol sa edukasyon.
Ang
edukasyon ay isang napakahalagang bahagi ng isang buhay ng isang tao sa ating
lipunan, lalo na sa ating mga taong salat sa yaman na karamihan ginagawang
umaga ang gabi para kumita ng pera at matustusan ang pag-aaral para lang
makamit ang pangarap na ating inaasam lumalayo at nangingibang bansa ang mga
magulang para lang maibigay ang pangangailangan ng isang anak o pamilya lalo na
sa pag-aaral. Ang edukasyon ay isang pamana na ating mga magulang lalo na kung sila
ay salat sa yaman ang pamana na hindi mananakaw kailanman yun ay ang edukasyon.

#patuloy ang pangarap....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento