“DEMONSTRATION TEACHING IS REAL”
Ang pag-aaral ay kaakibat sa buhay ng isang tao, minsan
may pagkakataon na nawawalan na tayo ng pagasa sa buhay dahil sa kahirapan sa
ating lipunan. At minsan din napapaisip tayo na bakit pa ba kailangan ang
pag-aaral sa ating lipunan. May pagkakataon din na sasabihin nalang natin na
matatapos din ito.
Bilang isang estudyante na nangangarap na makapagtapos sa
pag-aaral may mga pagdadaan talaga na pagsubok para mapagtagumpayan mo ito. At
bilang isang kumukuha ng pangedukasyon sa koliheyo ng Mataas na paaralan ng
Tarlac hindi natin maikukubli na marami talaga tayong pagdadaanan kagaya nalang
ng “Demo Teaching” marahil ginagawa din ng iba kaso masasabi ko sa koliheyo ng
edukasyon ay kakaiba. Ang demo teaching ay hindi ito basta basta dahil dugot pawis ang iyong ibubuhos
dito dahil maraming preparasyon ang kailangan mong gugulin para sa ganun
mapagtagumpayan ang mga pagsubok na ito. Masasabi ko na isa itong pagsubok sa
isang estudyante na kung saan dito ka talaga matetest yong katatagan ng bawat
estudyante dahil pumapasok dito yong pagiging isang malikhain at iba pa. Pero
ang lahat ng ito para sa aking ay matutumbasan lahat ng iyong pagod pag naging
successful na ang iyong demonstration teaching. Dahil alam ko na kaakibat ang
demo teaching sa lahat ng estudyante kaya sa ating lahat gawin natin
inspirasyon ang lahat ng pagsubok na ito para sa ganun ang lahat ng pagod
paghihirap sa loob ng 15 years nating nagaral sa kabuuan ay maging isang kapita-pitagan
tayong mamayan ng bansang Pilipinas Sana may napulot kayong aral patungkol sa
Demo Teaching ng isang nag-aaral na estudyante. Mabuhay kayong lahat!!!!
#tagumpay…………
#buhay
estudyante………
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento