"Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko... at 'yong labanan"
Maaari ang buhay ng isang tao nakakaranas ng mga pagsubok na hindi natin inaasahan. Maaari din na ang buhay sa mundong ito ay pansamantala lamang, yan ang mga karaniwan tinatamasa ng buhay ng isang tao.
Minsan
sa buhay ng tao hindi natin maiiwasan ang pagsubok, dahil bahagi na sa buhay ng
bawat taong naninirahan sa mundong ito. May ibat ibang pagsubok sa ating mundo
minsan may pagsubok na nalalampasan mo pero patuloy parin itong dumadaloy sa
iyong buhay, meron naman minsan pagsubok na minsan lang nangyayari at agad agad
nawawala. Ang buhay ng isang tao ay parang flashdrive, na kung saan may
pagkakataon talaga sa buhay ng tao na kung tutuusin ayaw na niyan maulit o
balikan ang mga karanasan na hindi nya makakalimutan sa buhay dahil minsan
parang bumabalik ka sa sitwasyon na nangyari noon na kung saan parang
flashdrive lang na pwede mo siyang I format para sa ganun hindi mo na sya
pwedeng balikan. Pero sa pagkakataon ito nais ko sanang magbahagi ng kaunting
pagsubok na nangyari sa aking buhay kung
saan ayaw ko na siyang balikan dahil ang pagsubok na ito ay dito ako natuto na
kung saan paano pahalagahan ang mga bagay bagay na kailangan natin sa ating
buhay. Minsan may pagkakataon talagang ganito ika nga ng mga tao na, ang
pagsubok ay isang pagsubok kung paano ka magiging matatag sa panghinaharap ng
iyong buhay. Sana sa ating lahat ang pagsubok ay lagi nating isabuhay dahil
alam kong ang lahat ng ito ay malulutas natin. Pero sana ang mga pagsubok na
hindi kaaya-aya ay pwede mo na itong I format na parang flashdrive, para sa
ganun magsimula ka sa panibagong buhay.
FLASHDRIVE
Ang flash drive ay isang aparato na maaaring magamit upang i-save ang impormasyon sa isang maliit na maliit, flash memory chip. Ito ay maaaring basahin at nakasulat. Mga aparatong imbakan na ito ay dinisenyo upang maging mas maliit kaysa sa isang tipikal na imbakan disk, may ilang pagiging ang laki ng isang thumb. Iyon ay kung bakit ang ilang mga tao na malaman ang mga ito bilang pen-drive, habang ang iba ay mas gusto ang tumawag sa kanila "thumb drive."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento