Huwebes, Marso 1, 2018

"TUWID NA DAAN, TUNGO SA TAGUMPAY"

     
          May mga bagay na minsan hindi natin inaasahan na nagkakatotoo, na hindi natin inaasahan. Mahirap mang isipin na hindi natin minsan nakakamit ang ating inaasam, pero sa paraan na ito merong layunin ang ating Panginoon Hesus sa ating buhay.



          Ang larawan na ito ay nagpapakita ng katagumpayan sa ating buhay na merong tapang sa sarili at may takot sa Diyos ipinapakita ko na ang lahat ng ating ginagawang mabuti sa mundong ito ay meron at meron ibibigay sa ating ang ating Panginnon. Kung titignan natin sa realidad ng buhay mahirap magpatagumpayan ang pangarap sa buhay, dahil maraming pagsubok ang malalampasan mo para sa ganun maging epektibo ang iyong pamumuhay. Minsan madarama natin ang pait ng buhay, mga sakit at hinagpi sa buhay, may mga pagkakataon din madarama mo na parang lugmok ka na sa buhay pero ang lahat ng ito ay matutumbasan ng kasiyahan balang araw kung ikaw ay nagtapos ng pag-aaral sa hinaharap ng iyong pamumuhay.



         Kagaya nalang ang inyong nakikitang larawan, ang larawan ay punong-puno ng pangarap sa buhay, na minsan nangarap at patuloy na natutupad. Nangarap na patuloy pang nangangarap sa buhay, mahirap mangarap sa buhay pero pag dinagdagan mo ito ng tiyaga at pagtatrabahuhan mo ito ay matutupad ang lahat ng ito. Kagaya nalang ang daan na iyong nakikita, na kung saan ang daan na yan ay siyang magtutuwid sa aking sa katagumpayan ng buhay.

#daan sa tagumpay.......

Huwebes, Pebrero 22, 2018

"KAIBIGAN NA PUNO NG SAYA"


      Sino ba? o ano ba ang isang tunay na kaibigan? siya ba ‘yong kasama natin sa inoman kung tayo'y may problema. Siya ba ang taong madalas kasama sa iyong mga ginagawang biro at kalukuhan. Siya ba ang taong kasama mo sa tuwing ikaw tatakas sa bahay para lang makapaglakwatsa. O siya ba ang tumutulong sa iyo para gumawa ng dahilan para hindi ka mapagalitan ng iyong mga magulang. 


      Ang tunay na pagkakaibigan ay sinusubok ng bawat panahon at depende sa sitwasyon, maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema at kabiguan sa buhay, mahirap makahanap ng tunay na kaibigan at mabibilang mo ang mga tunay na mananatili sa iyo, mga kaibigang tutulong at magpapasaya ng araw na puro kalungkutan, sa pamamagitan ng pakikibahagi sa iyo ng meron sila at meron ka upang pagsaluhan ninyo.

      Nakakalungkot mang isipin pero merong mga kaibigan na nagkukunwari at dumadating mga araw na nag sisiraan at sinisiraan ka patalikod, nagiging dahilan na ikaw ay natatakot na magkaroon muli ng kaibigan at isumpa ang taong nanloko sa iyo na kaibigan mo ng mahabang panahon at ang tiwala sa iba patungo sa pagkasira, minsan dahil sa pera kaya ka lang niya kaibigan? At di mo inaasahan na pag wala ka ay di mo aasahan na damayan ka.

      Sa tingin ko ay maaaring ito rin ang inyong maging pamantayan upang malaman kung sino ang totoo mula sa friend-friend lang.

  • Ang tunay na kaibigan ay sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong marinig at hindi ang gusto mong marinig.
  • Ang tunay na kaibigan ay hindi ka paliliguan ng papuri.  There is a difference between a friend and a flatterer.
  • Ang tunay na kaibigan ay may isang salita.  Kapag sinabi nya, sinabi nya at walang babali rito.
  • Ang tunay na kaibigan ay yaong ilang beses mo nang naka alitan o nakadiskusyunan pero sa dulo ng mga ito ay nananatili kayong nagmamahalan at tanggap pa rin ang isa't isa.
      Para sa aking yan ang 4 na makikita ko o pamantayan ko sa totoo na kaibigan......

      Sana sa pagkakataon ito naibahagi ko sa lahat na ang nakalagay na larawan dito ay napakahalaga para sa akin, dahil alam ko sa sarili ko na tunay silang kaibigan na kung saan sa pamamagitan ng blog na ito nasabi ko na tunay silang kaibigan para sa akin. Sana ang lahat ay maging inspirasyon ang lahat sa anumang bagay sa mundong ginagalawan. At balang araw maging matagumpay ang lahat.

#puso
#kaibigan
#tunay na pagmamahal

Biyernes, Pebrero 16, 2018

EDUKASYON “DEMONSTRATION TEACHING IS REAL”

 “DEMONSTRATION TEACHING IS REAL”

      Ang pag-aaral ay kaakibat sa buhay ng isang tao, minsan may pagkakataon na nawawalan na tayo ng pagasa sa buhay dahil sa kahirapan sa ating lipunan. At minsan din napapaisip tayo na bakit pa ba kailangan ang pag-aaral sa ating lipunan. May pagkakataon din na sasabihin nalang natin na matatapos din ito.

      Bilang isang estudyante na nangangarap na makapagtapos sa pag-aaral may mga pagdadaan talaga na pagsubok para mapagtagumpayan mo ito. At bilang isang kumukuha ng pangedukasyon sa koliheyo ng Mataas na paaralan ng Tarlac hindi natin maikukubli na marami talaga tayong pagdadaanan kagaya nalang ng “Demo Teaching” marahil ginagawa din ng iba kaso masasabi ko sa koliheyo ng edukasyon ay kakaiba. Ang demo teaching ay hindi ito basta  basta dahil dugot pawis ang iyong ibubuhos dito dahil maraming preparasyon ang kailangan mong gugulin para sa ganun mapagtagumpayan ang mga pagsubok na ito. Masasabi ko na isa itong pagsubok sa isang estudyante na kung saan dito ka talaga matetest yong katatagan ng bawat estudyante dahil pumapasok dito yong pagiging isang malikhain at iba pa. Pero ang lahat ng ito para sa aking ay matutumbasan lahat ng iyong pagod pag naging successful na ang iyong demonstration teaching. Dahil alam ko na kaakibat ang demo teaching sa lahat ng estudyante kaya sa ating lahat gawin natin inspirasyon ang lahat ng pagsubok na ito para sa ganun ang lahat ng pagod paghihirap sa loob ng 15 years nating nagaral sa kabuuan ay maging isang kapita-pitagan tayong mamayan ng bansang Pilipinas Sana may napulot kayong aral patungkol sa Demo Teaching ng isang nag-aaral na estudyante. Mabuhay kayong lahat!!!!

#tagumpay…………
#buhay estudyante………
  

Huwebes, Pebrero 8, 2018

Edukasyon: Pasaporte tungo sa tagumpay


Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang tayo ay alam na natin na ito ay pinakamahalagang bahagi ng ating buhay. Bakit nga ba? Mula sa pang-araw-araw nating
gawain ay kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng ating pamumuhay. Habang tayo ay lumalaki, nadaragdagan at lumalawak ang ating isipan at kaalaman. Mula dito, nag-uumpisa
tayong makihalubilo sa ibang tao o kapwa na ating makikilala sa paaaralan. Ang ating guro ang nagsisilbing pangalawang magulang at mga kamag-aral ay intinutring din na ating pamilya.

Mula sa pag gising natin sa umaga, pagkain ng almusal, at sa araw-araw na pagpasok natin dito sa ating silid-aralan, di natin maitatanggi na tayo’y napapatanong sa sarili, “Ano ba ang kahalagahan ng pagpasok ko sa skwela?”

Marami ang nagsasabi na ‘ang kabataan ang pag-asa ng bayan’ at ‘kabataan para sa kinabukasan’ ngunit mahirap isipin na marami sa kabataan ngayon ay hindi nakakapag-aral o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May iba’t iba silang dahilan. Merong mga kabataan na hindi pumapasok sapagkat sila’y tinatamad, may mga tumatambay lamang at ang iba naman ay nalulong pa sa mga masamang bisyo. Hindi natin dapat pinapabayaan ang ating pag-aaral sapagkat ito’y pinaghihirapan ng ating mga magulang. Kaya nga meron tayong kasabihan, “nasa huli ang pagsisisi”.
Mahalaga ang edukasyon. Kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay totoo. Dito nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa mundong ito. Upang tayo’y magkaroon ng isang mainam na pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan nating maghanda. Hindi natin maiiwasan na maharap sa mga hadlang na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay kaya nararapat lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y malagpasan natin ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili, may buong tapang at determinasyon. Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Sa pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos. Sa kanya, lahat ng bagay ay posible.

Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin. Isa itong kayamananan na hindi makukuha kahit sino man sa’yo.

Tunay ngang edukasyon ang ating pasaporte tungo sa tagumpay. Hindi matatawaran ang kontribusyon nito sa buhay ng mga tao. Lagi nating tatandaan na ang pag-pasok sa eskwela ay hindi ibig sabihin na magpaka-dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay gawain niya.

"KAYA SA ATING LAHAT WAG NATING SAYANGIN ANG OPPORTUNIDAD NA MAG-ARAL DAHIL ITO LANG ANG SUSI SA ATING TAGUMPAY"

#PASAPORTE........

Huwebes, Pebrero 1, 2018

“EDUKASYON TUNGO SA TAGUMPAY”


“EDUKASYON ANG SUSI SA KAUNLARAN”
 
      Ang lahat ng tao ay inaasam na makapag-aral at makapagtapos. Pero hindi lahat ay nakakamit ang rurok ng tagumpay, dahil minsan may mga pagsubok na daraanan dahil hindi lahat ng tao ay matatag sa mundong ito. Minsan may pagkakataon na napapatanong ang ibang tao na “bakit kailangan pang mag-aral” yan ang kalimitang tanong ng mga tao. Pero ang mga katanungan na ito ang siyang nagsisilbing kuro-kuro ng bawat tao para sa ganun mapalawak ang imahinasyon patungkol sa edukasyon.
     
      Ang edukasyon ay isang napakahalagang bahagi ng isang buhay ng isang tao sa ating lipunan, lalo na sa ating mga taong salat sa yaman na karamihan ginagawang umaga ang gabi para kumita ng pera at matustusan ang pag-aaral para lang makamit ang pangarap na ating inaasam lumalayo at nangingibang bansa ang mga magulang para lang maibigay ang pangangailangan ng isang anak o pamilya lalo na sa pag-aaral. Ang edukasyon ay isang pamana na ating mga magulang lalo na kung sila ay salat sa yaman ang pamana na hindi mananakaw kailanman yun ay ang edukasyon.

      Kaya sa ating lahat na nangangarap o mangangarap pa lamang ay wag tayong mawalan ng pag-asa, dahil alam ko na hanggat nangangarap ka ay ito ay patuloy na natutupad kaya sa ating lahat wag nating sayangin ang opportunidad na makapag-aral dahil alam ko at alam mo na ang pag-aaral ay siyang magtataguyod sa atin sa hirap ng buhay. At higit sa lahat maging sentro sa ating buhay ang panginoon Hesus, dahil naniniwala ako na kung nasa sayo ang panginoon ang lahat ng iyong inaasam sa buhay ay matutupad ng walang pag-aalinlangan. Sana nagbigay sa inyo ng kaunting inspirasyon ang maikling kataga sa edukasyon upang sa ganun patuloy padin ang pangarap.

#patuloy ang pangarap....

Biyernes, Enero 26, 2018

"MGA PAGSUBOK NA KAYANG LAMPASAN"

     

"Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko... at 'yong labanan"



       Maaari ang buhay ng isang tao nakakaranas ng mga pagsubok na hindi natin inaasahan. Maaari din na ang buhay sa mundong ito ay pansamantala lamang, yan ang mga karaniwan tinatamasa ng buhay ng isang tao.
     
      Minsan sa buhay ng tao hindi natin maiiwasan ang pagsubok, dahil bahagi na sa buhay ng bawat taong naninirahan sa mundong ito. May ibat ibang pagsubok sa ating mundo minsan may pagsubok na nalalampasan mo pero patuloy parin itong dumadaloy sa iyong buhay, meron naman minsan pagsubok na minsan lang nangyayari at agad agad nawawala. Ang buhay ng isang tao ay parang flashdrive, na kung saan may pagkakataon talaga sa buhay ng tao na kung tutuusin ayaw na niyan maulit o balikan ang mga karanasan na hindi nya makakalimutan sa buhay dahil minsan parang bumabalik ka sa sitwasyon na nangyari noon na kung saan parang flashdrive lang na pwede mo siyang I format para sa ganun hindi mo na sya pwedeng balikan. Pero sa pagkakataon ito nais ko sanang magbahagi ng kaunting pagsubok na nangyari sa aking buhay  kung saan ayaw ko na siyang balikan dahil ang pagsubok na ito ay dito ako natuto na kung saan paano pahalagahan ang mga bagay bagay na kailangan natin sa ating buhay. Minsan may pagkakataon talagang ganito ika nga ng mga tao na, ang pagsubok ay isang pagsubok kung paano ka magiging matatag sa panghinaharap ng iyong buhay. Sana sa ating lahat ang pagsubok ay lagi nating isabuhay dahil alam kong ang lahat ng ito ay malulutas natin. Pero sana ang mga pagsubok na hindi kaaya-aya ay pwede mo na itong I format na parang flashdrive, para sa ganun magsimula ka sa panibagong buhay.

FLASHDRIVE


      Ang flash drive ay isang aparato na maaaring magamit upang i-save ang impormasyon sa isang maliit na maliit, flash memory chip. Ito ay maaaring basahin at nakasulat. Mga aparatong imbakan na ito ay dinisenyo upang maging mas maliit kaysa sa isang tipikal na imbakan disk, may ilang pagiging ang laki ng isang thumb. Iyon ay kung bakit ang ilang mga tao na malaman ang mga ito bilang pen-drive, habang ang iba ay mas gusto ang tumawag sa kanila "thumb drive."